Si Lorca at Ako, isang hatinggabi


 

1

Naghuhunos ang panaginip.
Naglulunoy ang buwan sa nakalalasong tinta.

2

Dinalaw ko ang aking katipan sa siyudad.
Umaalulong sa saligway ang asong itim,
napunit ang mga ulap,
at niyanig ang lupa sa pag-ulan ng itim na apoy.

3
Nais kong itala ang pinakasimpleng imahen ng pag-ibig.
Nagpahaba ako ng buhok.

4
Madalas akong nahuhulog sa masikip na kabaong.
Nakikita kita, irog, umiiyak,
sa harap sumusunod ang mahabang prusisyon.
Upang makalimot, humukay ako ng ilog.

5
Hinahanap ko ang aking libingan
Pagkaraang hiwain ko ang mata ng aking katipan
at nangako ng pag-ibig na walang hanggan.

 

 

Advertisements

2 thoughts on “Si Lorca at Ako, isang hatinggabi

  1. Mag-aalimpuyo daw ang daigdig ngayong 2012 Mike, subalit walang mintis na pumapalaot sa kailaliman ang mga salitang pinapahid dito.

    Kapag nagbabasa ako dito, kailangang ulitin ko ulit makalipas ang ilang araw para maarok ko naman ang nais ipahiwatig ng mga titik dito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s