Katorse Lamang (Book List 2012)


Dapat sana ay 39 na aklat ang balak kong basahing libro ngayong 2012. Magandang pakinggan ang tatlumput siyam. Dangan nga lamang, hindi realistiko. Isa pa, nagmumukha lang akong nagpapa-cute. Noong 2011 onse lamang ang nabasa kong libro mula sa proyekto kong 50. Masyado akong ambisyoso. Ano kaya kung 12 tutal 2012 naman, baka lucky number ko ngayon yun. At buwan-buwan? Pero imposible parin yun. May mga book na nababasa sa tatlong araw o umaabot sa tatlong buwan. Katorse na lang, tutal paborito ko yung pelikula nina Gabby Concepcion at Dina Bonnevie. Ngayon, gusto kong i-apply ang sinasabi ni Octavio Paz, hindi mo naman kailangang maraming nababasang libro. Ang mahalaga, ninanamnam mo ang bawat pahina, hinahawakan nang buo ang kuwento at lunggati, at ang aklat, higit ano pa man, ay nararapat na paulit-ulit na binabasa. Kailangang mahulog muli, maramdaman ang vertigo, ikulong ang sarili sa iba’t ibang panahon, sa iba-ibang damdamin.

Hindi ko hilig na maglista ng mga gagawin ko sa pagsisimula ng taon. Ayokong magplano. Ayuko ng routine. Dahil nakakawing pa rin ako sa paniniwalang mas masarap ang buhay kung uncertain ka sa mga bagay, spontaneous, faith in chaos, ika nga. Bakit ako naglilista ngayon?

Dahil sabi ko nga sa sarili ko at kay J. limang minuto bago matapos ang taong 2011, kung ilalarawan ko ang buhay ko noong 2011, isang salita lamang: Direksiyon. Gusto kong ituloy iyon ngayong 2012. Yakapin ang iba’t ibang posibilidad na may direksyon. Ang malaman at bigyan ng direksyon ang nasa at nais sa buhay. Haharap sa mundo na nakayuko ngunit nakakuyom ang mga palad. Breathe life with fury!

Some people live without knowing what they want, and some die having no chance to live what they want, huling naisulat ko sa journal sa 2011. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit, life will betray me or I will betray life. Anupaman, ang puno’t dulo lang naman nito ay pag-ibig. Pero ayukong i-elaborate. Nagmumukha akong nagsusulat para sa precious heart romances. Sabihin na lang nating pakikinig ito sa La vie en rose. Life like Jazz. Or life with Jazz.

The Magic Mountain (Thomas Mann) – Matagal ko nang gustong basahin ito. Pakiramdam ko noon, hindi pa ako handa. May specific time nga siguro para sa pagbabasa ng mga aklat. Hula ko, inspirasyon ito para sa Norwegian Wood ni Murakami. Solitude, alienation, sadness, detachment, at  liberation. Hindi dapat mawala ito.

The Castle (Franz Kafka) – Kailangang bumalik at basahin muli ang aking bathaluman sa pagsusulat.

The Man in the High Castle (Phillip K. Dick) – Iniisip ko kung si William Gibson o si Dick. Pero ayoko munang basahin ang Zero History. Huwag muna ang contemporary pagdating sa Scifi.

Crime and Punishment (Fyodor Dostoyevsky) – Kailangang bumalik muli ako sa umpisa at basahin ang kuwento ni Raskolnikov.

A Wild Sheep Chase (Haruki Murakami) – Nangako ako sa sarili ko na taon-taon dapat mayroon akong isang Murakami na dapat basahin. Noong 2011, Natapos kong basahin ang Sputnik Sweetheart. Isa pa, gusto kong bumalik muli sa Dolphin Hotel. May kinalaman yata ito sa isang nobela pa ni Murakami.

Fight Club (Chuck Palahniuk) – Si Palahniuk din ang isang awtor na hindi nawawala at dapat kong basahin taon-taon. Reunite with Tyler Durden. Fuck like mad with Marla! Hindi nakakasawang ulitin ang kuwento dahil masarap ding magmura, at maramdaman muli ang anticlimax.

2666 (Roberto Bolaño) – isa mga bago kong tinutuklas na awtor si Bolaño. Masyado akong naintriga sa kaniyang mga karakter na nawawala at laging may hinahanap. Gusto kong magpaangkin/angkinin muli sa/ang kaniyang karakter na tinawag niyang “Mother of all Poets”.

Crime (Irvine Welsh) – Pukenangina, sabi nga ng isa akong kaibigan-katrabaho. Pukenangina, dapat na basahin talaga ito!

Earthsea Series (Ursula K. Le Guin) –  Kailangan ko nang tapusin ang Earthsea series. Isa sa mga requirements ko na dapat basahin bago ang Harry Potter. Hehe.

Perfume (Patrick Süskind) – Ito sana ang huling librong babasahin ko para sa 2011. Pero dahil hindi ko natapos ang 1Q84, at kasalukuyang binabasa ni J. Malamang ang Perfume ang unang librong mababasa ko ngayong 2012. A, to the fleeting realm of scent!

The Notebook of Don Rigoberto (Mario Vargas Llosa) – Hindi dapat mawala ang erotica. Isa pa, nabanggit dito si Egon Schiele. Yay!

The Foundation Trilogy (Isaac Asimov) – Gusto kong ulitin ito. Ang sarap lang mamangha muli. Ang pinakamagandang scifi na naisulat. Ito rin ang isang nobela na hinihintay kong gawin nilang movie at magpapataob sa Star Wars, LOTR, Avatar, at Matrix. Ano kaya ang hitsura ng Encyclopedia Galactica sa big screen? Sino ang karapat-dapat na gumanap bilang Hari Seldon?

Invisible Cities (Italo Calvino) – Mahirap tanggihan si Calvino.  

The Labyrinth of Solitude (Octavio Paz) – Una ko itong narinig sa isang lecture ni Rio Alma sa LIRA. Naintriga ako. Nang mabasa ko yung On Poets and Others, pakiramdam ko inakay niya ako sa alaala ng aking pagkabata, ng aking kabataan, ng aking lahi.

15. *** – Dahil mahilig akong mag-break ng rules o di sumunod sa rules. Ang panglabinlimang nobela ay nakalaan sa bagong tuklas na awtor. Gusto ko kasi yun, taon-taon, may bagong awtor akong natutuklasan. Gaya nina Roberto Bolano at Octavio Paz noong 2011.

(Nilimitahan ko sa ingles ang aking book list. Nobela lamang. Ibang proyekto para sa akin ang mga Filipino Novels, ganoon din ang mga poetry at literary criticism. May kasamang pag-aaral kasi ang mga poetry/nobelang Filipino/literary criticism. Isang bagay na mas pinagtutuunan ko ng pansin ngayon.)


Advertisements

5 thoughts on “Katorse Lamang (Book List 2012)

  1. sa pagitan ng pagbabasa ng libro, pagsusulat ng makabuluhang mga akda lalong lalo na ng tula, hanga ako kung paano mo nahahati ang mga oras mo sir mikael.

    happy new year. gusto ko ring basahin yung fight club!

  2. Sabi ko don sa mga magreregalo sa akin ng libro (oo nagsasabi talaga ako), na hangga’t maaari Filipino authors dapat ang yumari ng ibibigay sa akin.

    May mga natanggap naman ako, mga libro ni Lualhati Bautista, Jaime Licauco at sinisimulan ko nang yariin. Tama ka, kahit isang libro lang, kapag ninamnam ang laman, aba..kainaman.

    Inuwi ko sa probinsya ang mga nasabing libro, pero binuklat buklat ko lang, kasi mas masarap makipagkuwentuhan sa mga taong nanabik din naman.

    Yon.. Happy New Year Mike. 🙂

  3. Ayos ang listahan mo. Dostoevsky, Kafka, Murakami, Philip K. Dick… all killers and no fillers ah? Okay basahin ang A Wild Sheep Chase. Nabasa mo na ba ang Ilustrado by Miguel Syjuco? Filipino author siya pero English yun. Ewan ko lang kung ilabel mo siya as Filipino novel or Foreign.

    Magaling ka magsulat. Balik ako dito next time.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s