Bell Bottom Blues

(Pasintabi kay Eric Clapton)

Dito nahihimlay ako
paulit-ulit
namamatay

Huwag magtaka
kung walang kurus na pananda
walang nakalibing sa libingan na aking hinuhukay
kay lapit ng alaala

Dumadapo ang panggabing ibon sa lapida
(kaninong pangalan ang nakaukit?)
naglalahad ng kuwento
marahil bugtong
nabubuhay akong iniiwasan ang tumpak na sagot

Dito nahihimlay
nananaginip
nabubuhay nang paulit-ulit
isang bagay na hindi niya mananakaw

Advertisements