Ispeysyip


Naligaw sa lungsod si promding Cachupoy.
Estranghero’ t anak ng dagat, nilangoy
Ang kan’yang pangarap, doo’y maglulunoy.
Kahit sagwan lamang ang dalang burloloy.

Lumalaot ang tren sa riles: kay lawak
Kay layo, kay haba at di-napipigtas.
Ay hanep na bangka! EDSA’y nilalayag—
Modernong speysyip, hindi lumilipad.

Sumakay ang promdi sa mundong masikip,
Kalayaang sadya’t nais— di maumit;
Hawak na tampipi’y ‘sang sagwan sa higpit:
‘Wag sanang mawala; Ay, ‘wag ipapitik!

Advertisements

3 thoughts on “Ispeysyip

  1. (^______^) The Adventures of Promding Cachupoy. . . katulad po ba ito ng mga kwentong promdi, na anak ni manong magsasaka o mangingisda. Luluwas sa maynila pagkat naroon ang pangarap, at ng makarating sa nasabing lugar ng pangarap ay BOOM! Urban, populated, makalat, masakit sa mata. Swertihan. Kung babae ka, malapit sa human trafficking. (Syempre ito ay disater side lamang)
    Pag Promdi na lumuwas sa kabihasnan parang paglalayag. Ganyan din po ako, hindi sa usaping promdi kundi sa usaping LATE BLOOMER. Ang pagging ignorante hindi pala sa pagiging promdi lang kundi sa pagpapalampas ng maraming pagkakataon na pwede kang mamulat sa mga bagay na pwede mo pang makita. Pero kung palalampasin ito ng maraming pagkakataon pa, magmimistula ka paring bulaklak na nakatikom dahil ayaw magpadilig upang bumukadkad.

    hello po Ma’am o Sir? sana kumunek kahit papano ang sinabi ko. ahahah. Anlalim po ng tula. (^______^)

  2. boy po ako. hehe. adventure nga ng isang probinsyano. Walang bago sa temang tinatalakay, dangan lamang ay mas interesado ako sa pagiging absurdity ng eksena o yung pantastiko na tinatawag. hehe…

    kung late bloomer ka, ako late late bloomer. hehe. Minsan nga, blessing pa yung pagiging ignorante kasi bliss yun, ika nga sa gasgas na kasabihan. ‘Wag ka lamang matakot na mag-take risk o magkamali kasi doon tayo natuto, nandoroon ang buhay, ang essence ng karanasan na hinahanap rin ni Cachupoy. Lumangoy ka hanggat may tubig. tumakbo hanggang may lupa, bahala na si Darna!

    salamat sa pagbasa!

    Mikael

  3. akala ng marami, nasa sukal ng lungsod ang kaalwanan sa buhay. hindi nila alam na mas gubat pa ito sa gubat na naroroon sa mga liblib na kanayunang kanilang pinagmumulan.

    goodluck na lang sa mga kagaya ni cachupoy.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s