Kasukdulan


Ikaw ang aking ego.
Bakal na nakatutok
sa aking sentido.

Saan ako dadalhin ng putok.

Maglalaho ang lahat:

Oras.

Pag-ibig.
Kasaysayan.

Sa dulo ang Dilim,
Makikita ang Diyos
Na isang uwak,
O Kimera, depende sa hugis
Ng aking kaluluwa.

Marahil,
Isang birhen
Na naghihintay sa akin.
Magniniig kami
Sa bahagharing Uniberso
Hanggang kasukdulan, sa dulo:

Nananatiling nakahawak sa gatilyo.

Advertisements

3 thoughts on “Kasukdulan

  1. At kung iikot sa dilim
    At doon ay magpapasalin-salin
    Sa ihip ng hangin
    At agos ng alupihin:

    Manakanaka’y wag pigilang huminga
    Dahil lalambitin ka sa panaginip

    Na parang gatilyong
    Nakatutok
    Sa
    Rurok
    Na
    Lalabisin.

  2. kung ang punglong nagbabanta
    ang mesiah na tutubos
    upang palayain ang kaluluwa
    sa kumakapal na kalawang
    ng kulungang katawan

    sa gayon, mapatunayan ang haka
    na matagal ng naglalaro sa balintataw
    ukol sa gantimpalang langit
    at sa diyos
    sa bantang parusa ng impiyerno
    at demonyo

    o baka sa paghawi ng usok
    at sagit-sit ng pulbura
    ay pataba lamang tayo
    na kakanin ng lupa
    at maging rosas,
    higanteng puno
    talahib

    ang ala-ala, ang kaluluwa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s