Sayans Piksiyon


Sa mundo ni Combatron,
Death Metal si tatay. Metal
Na metal kung magmahal kay nanay.
Si nanay tao lamang na umiibig
Sa pinakahayop na Metal.

Tuwing nalalasing si tatay,
Nayuyuping lata ng Birch Tree
Si nanay. Lamog na metal
Sa lakas ng tadyak ni tatay
Sa mundo ni Combatron.

Sa mundo ni Combatron,
Gabi-gabi kung lumusob
Ang lasing na si Death Metal.
Death seeker! agad ang entrada.
KAPOOW! Sapul sa mukha

Si nanay. Kulang sa treyning
Kahit Psionic Beam ay wala.
Duguan ang labing bulagta sa sala.
Sayang at walang kapangyarihan si nanay
Sa mundo ni Combatron.

Sa mundo ni Combatron
Nilusob ko ang lasing na si Death Metal.
Superhero akong lumipad , galit na galit—
Death seeker laban sa aking galactic space sword!
Para kay nanay— KABOOM!

Bagsak sa sahig. Bagok ang ulo.
Ipagtatanggol ko ang planetang Earth
Sa yakap at pagmamahal ni nanay.
Walang dapat tumalo sa isang batang
Superhero sa mundo ni Combatron.

Advertisements

5 thoughts on “Sayans Piksiyon

  1. kung bakit kailangang tumindig ang isang bata para gampanan ang papel ng superhero sa mundo ni combatron na kung tutuusin dapat ay si death metal ang siyang taga pagtanggol at tagapagligtas.

    malas lang. may mga planeta talagang ganito sa ngayon.tsk.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s