Sa kapihan


1.

Narito ka.

Ako.

Tayong dalawa.

Sa loob ng mumurahing kapihan, habang pinapalamig ng tinig ni Norah Jones ang mainit kong kape, tumutulay ang iyong paningin sa bawat nagsisidaraan.

Nasaan na tayo ngayon?

2.

Nagsisimula ang paghanga mula sa mga bakanteng mesa at upuan na naghihiwalay sa atin.

Ang oras bilang wagas ng lahat.

Ikaw.

Tayong dalawa.

Ikaw na hinahawakan ko sa salita.

Ako na siyang nagpipilit hawakan ang salita.

3.

Ikaw.

Tayong dalawa.

Sa magkasabay na ibang panahon.

4.

May alamat ang pagmamasid. Kung paanong mangyayari ng sabay-sabay ang lahat sa loob ng kapihan ay walang nakakaalam.

Bumukas ang pinto.

Kulay rosas ang aking mga kamay habang nakangiting lumalapit sa iyo.

Habang

Ang isang

Ako,

Umiinom ng kape, nakikinig kay Norah Jones,

Ay malaya kang pinagmamasdan.

Advertisements

2 thoughts on “Sa kapihan

  1. 1.
    Hindi mo nanaising
    Malaman
    Na hindi lahat
    Sa kapihang ito
    Ay
    Sabay-sabay.

    2.
    Dahil kung sa
    Pagmamasid
    Aki’y napagnilay-nilayan
    Na ang tungo
    Ng mga pangitain
    Ay sa harap mo hahain.

    3.
    Hindi mo malaman
    Na pinagmamasdan din
    Kita
    Sa gilid ng
    Paningin
    Habang ang pinto’y
    Sumasara
    At
    Napipinid.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s