Kung hindi ito pag-ibig


(Pagkaraan ng In the Realm of the Senses)

Dapat lamang na putulin ang iyong uten at bayag.
Mawalay sa ‘yong katawan at mapugutan ng nasà
Ito’y isang pagsasama na kaylangan mong matanggap.

Narito sa aking palad ang ulirat at hinuhà
Sinasakal ko ng halik, ng damdamin at katwiran;
Sa akin lamang ialay ang ‘yong hininga at layà.

Ang laman ay hindi laman. Wala itong kamatayan.
Mabubuhay ang ‘yong dugo’t sa bibig ko’y mahububog,
Sasayaw sa aking dila at aawit ng pagsilang;

Makikipag-isang dibdib ang tibok hanggang malunod,
Maglalayag sa ilalim hanggang humulas sa tubig,
Ito ang laman at laman: Sa daigdig ko’y lalaot.

Di pag-ibig kung may uten at bayag ang iniibig;
Dapat lamang na ilibing kung hindi ito pag-ibig.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s