Tereza at Tomas


Narinig natin ang bughaw
nang maglapat ang lambing ng labi ng magkatambal na pangalan.

Gaano kalalim ang kambal na tinig na yaon nang sa wakas
ay pinag-isang dibdib ng kamatayan

o sandali? Sandali
hindi wakas ang hanggahan ng lahat-

lahat ng lunggati ay hininga ng mahimbing na pagtulog sa iisang kama.
Maging ang alimpungat

Ay pagtatapat ng naglalakbay na panagimpan
Natin bilang tayo

Ay iisa na pinag-isa ng sandali.
Dahil ang tinig na bughaw sa paghalik natin sa sandali,

Mahal,
Ay hindi umuukit ng mga sawing pangalan sa lapida ng pag-ibig.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s