Isang Umaga sa Buhay ng Salamangkero


(Pasasalamat sa Flaming Lips)

Anong damdamin mayroon ang iginawad na halik ng lumisang panaginip?
Walang maalala ang sarili sa nagdaang gabi.

Saang lupain siya nagpahinga at naiwan ang kaniyang kaluluwa?

Giniginaw, nagtungo siya sa kusina. Naghilamos. Nagtimpla ng kape
sa mesa nakatitig sa sombrerong itim. Nakapatong sa ibabaw ng makinilya.

O ang sombrerong itim ang nakatitig sa kaniya?

Sa banyo patuloy ang pag-apaw ng tubig mula sa balde
Sa harap ng salamin, nakangisi sa kaniya

Ang kunehong nakasuot ng sombrerong itim

Gumalaw na mahika ang salamin, sa kamay ng kuneho
Ang sombrerong itim walang laman.

Wala o kawalan?

Ang kaniyang kaluluwa sa isang kisapmata
Sa harap ng nalulusaw na salamin:

Puting plumahe ng uwak ang nasa balikat.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s