3
June 18, 2011
(Pagsasalin sa tulang Three Oddest Words ni Wislawa Szymborska batay sa saling ingles nina S. Baranczak & C. Cavanagh)
Tuwing bibigkasin ko ang Hinaharap,
Tiyak na bahagi na ng nakaraan ang unang pantig.
Tuwing bibigkasin ko ang salitang Katahimikan,
Winawasak ko.
Tuwing bibigkasin ko ang salitang Kawalan,
Humuhulma ako ng bagay na tanging buhay ang makakahagkan


June 23, 2011 at 1:23 am
Mahusay. Maraming salamat sa pagbabahagi sa tulang ito.
June 23, 2011 at 4:08 am
ahehehe! talaga naman si toks! nagbuhat ng sariling bangko!
i-vodkape na ‘yan!!!
June 26, 2011 at 4:23 am
Ang lakas ng dating nong tula.
Hindi daw pwedeng hindi uungkating ang nakaraan kapag haharapin na ang bukas.
At kahit gano nating nais na maging tahimik, sumasabog ang naghuhumiyaw na emosyon, talagang aaray ang katahimikan.
At sa kawalan, tama…buhay ang pinatutungkulan.
June 26, 2011 at 2:29 pm
yo! salamat sa munting pagbasa. Paano nga ba natin hinahawakan ang hinaharap? O kaya ba nating hawakan? Sapagkat kung hahawakan natin ay bahagi na ng nakaraan o nang kasalukuyan.
Kung mabibigkas natin ang katahimikan, katahimikan pa ba nating matatawag iyon?
May tanong sa akin ang frend ko na mahilig sa Buddhism: What is the sound of one-hand-clapping?
Ang kawalan o nothingness, meron nga ba talaga? Sapagkat ang buhay ang punto de bista ng lahat.
July 2, 2011 at 3:28 am
What is the sound of one hand clapping?
Sinubukan kong pumalakpak gamit ang kanan kong kamay. Merong tunog pero hindi katulad ng dalawang kamay na nagsasalpukan. Buo ang tunog at maririnig kahit na ilang dipa ang layo.
Katulad ng buhay, kapag nag-iisa’y tahimik, kapag may kapareha’y umiimik, nagkakaroon ng ingay.
Mag-isa o higit pa, hindi maitatanggi..oo buhay ang punto de vista ng lahat
June 27, 2011 at 9:38 am
habang binabasa ko ito pakiramdam ko ang tali-talino ko