Annie, Annie, Kitâ ang Panti
May 14, 2011
(Pulis Pangkalawakan, Oy
Shaider, Shaider, nasaan ka?)
Nakaraan:
Natagpuan
si Annie sa talahiban
na kinakain ng uod.
Kulay-kalawang ang panti;
Nilalanggam, nakasampay
sa natutuyong talahib
Si Annie
kitâ ang panti
May hikaw, wala nang mukha
Wala nang utong, pekpek,
Wala nang panti
si Annie

